Criminology graduate dakip sa shabu

DAKIP ang isang criminology graduate sa pag-iingat ng shabu makaraang magsagawa ng raid ang mga awtoridad sa Harison, Pasay City, alas 6:00 ng umaga, Miyerkules.

Naaresto ang suspek na si Alex Maglaqui, alyas “Awew”, 30, sa loob ng kanyang bahay sa 1856-C Tangkiang st., Brgy. 4, Zone 2, natuarang lungsod.

Ang suspek ay inaresto habang natutulog sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Pasay City Executive Judge Pedro Corales.

Agad na dinala sa himpilan ng pulisya ang suspek matapos makuhanan ng tatlong sachet ng hinihinalang shabu, dalawang stick ng marijuana, shabu paraphernalia, at weighing scale.

Batay sa ulat ni P/Insp. Raymund Liguden, ang suspek ay tatlong buwan na nilang minamanmanan dahil sa nakalap na impormasyon na gumagamit at nagbebenta ng droga sa kanilang lugar.

Kasabay nito, nangangamba ang PNP na napasok na ng mga sindikato ng droga ang Philippine National Police dahil sa panggagamit sa mga graduate ng criminology.

Ang suspek ay nag-tetraining sa tanggapan ni Pasay City Chief of Police Napoleon Cuaton na nakatakdang pumasok bilang alagad ng batas sa Pasay City. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply