Crisis team ng DFA tumulak sa Ehipto

TUMULAK nitong Lunes, Enero 31 2011 patungong Ehipto ang binuong crisis management team ng Department of Foreign Affairs (DFA) upang alamin ang kalagayan ng mga Filipinong naiipit sa nagaganap na kaguluhan sa naturang bansa.

Bagama’t hindi pa naman kailangang ilikas ang mga Filipino sa Ehipto, tiniyak ng gobyerno na may dalawang daanang palabas ang mga kababayan natin doon.

Sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary Rafael Seguis na kabilang sa three-man team sina: Special Assistant Enrico Foz ng Office of the Undersecretary for Migrant Workers Affairs; Special Envoy Roy Cimatu, na magmumula sa Afghanistan; at si Consul-General Ezzedin Tagom, na manggagaling naman sa embahada ng Pilipinas sa Riyadh, Saudi Arabia.

Ayon kay deputy presidential spokesperson Abigail Valte, pinag-aaralan na rin ang mga posibleng ruta sa dagat palabas ng Ehipto, bukod sa evacuation routes na pangkalupaan para sa 6,000 Pinoy doon.

Ang kaguluhan sa nasabing bansa ay nag-ugat sa tangkang pagpapatalsik sa puwesto kay Egyptian President Hosni Mubarak.  Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply