Dagdag sa pasahe ng mga bus ikinakasa

IKINAKASA na ng ilang militanteng transport group ang fare hike para sa mga provincial bus ngayong 2011.

Ipinahayag ni Homer Mercado ng 1-Utak na nais na nilang dagdagan ng 30 hanggang 50 sentimos kada kilometro ang singil sa pasahe.

Ipinaliwanag ni Mercado na ang fare hike ay bunga na rin sa ipinatupad na toll hike ng tatlong expressway sa Northern Manila at ang walang humpay na pagtaas ng presyo ng langis.

Sa oras umano na payagan ang kahilingan nilang dagdag-pasahe, magiging P90 na ang dating P65 na ordinary bus na may biyaheng Manila hanggang Calamba.

Aakyat naman sa 105 ang dating 80 pesos sa air conditioned bus.

Nagtaas na ang singil ng North Luzon Expressway, Subic-Clark Tarlac Expressway at Subic Freeport Expressway.

Ayon naman kay Marlene Ochoa, vice president for corporate communications ng NLEX, higit na mababa pa rin ito ng piso kung ihahambing sa toll hike noong 2005 na aabot sa P41.

Matatandaang umani ng samu’t saring batikos mula sa mga motorista ang naturang toll hike dahil dagdag perhuwisyo umano ito sa pang-araw-araw na gastusin.Dagdag sa pasahe ng mga bus ikinakasa

IKINAKASA na ng ilang militanteng transport group ang fare hike para sa mga provincial bus ngayong 2011.

Ipinahayag ni Homer Mercado ng 1-Utak na nais na nilang dagdagan ng 30 hanggang 50 sentimos kada kilometro ang singil sa pasahe.

Ipinaliwanag ni Mercado na ang fare hike ay bunga na rin sa ipinatupad na toll hike ng tatlong expressway sa Northern Manila at ang walang humpay na pagtaas ng presyo ng langis.

Sa oras umano na payagan ang kahilingan nilang dagdag-pasahe, magiging P90 na ang dating P65 na ordinary bus na may biyaheng Manila hanggang Calamba.

Aakyat naman sa 105 ang dating 80 pesos sa air conditioned bus.

Nagtaas na ang singil ng North Luzon Expressway, Subic-Clark Tarlac Expressway at Subic Freeport Expressway.

Ayon naman kay Marlene Ochoa, vice president for corporate communications ng NLEX, higit na mababa pa rin ito ng piso kung ihahambing sa toll hike noong 2005 na aabot sa P41.

Matatandaang umani ng samu’t saring batikos mula sa mga motorista ang naturang toll hike dahil dagdag perhuwisyo umano ito sa pang-araw-araw na gastusin. Johnny F. Arasga

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply