Dahil sa sobrang lamig: Ifugao mummies posibleng mabulok

NANGANGANIB mabulok ang mga nakapreserbang bangkay ng mga Ifugao sa Benguet dahil sa sobrang lamig ng panahon, ito ang napag-alaman Remate online.

Ayon kay Kabayan Municipal Tourism Officer Berry Sangao Jr., apektado na ang mummies sa Kabayan, Benguet na nasa loob ng Timbak cave dahil sa mababang temperatura sa nasabing lugar.

Ang nasabing kuweba ay malapit sa bayan ng Atok at Mt. Pulag, Benguet na may pinakamalamig na klima.

Hhinihintay pa ng mga opisyal ang resulta ng pag-aaral na isinagawa ng taga National Museum sa mummies sa Kabayan upang maaksyunan ang anumang problema.

Regular ding nagpupulong ang mga anthropologist ng Natioanal Museum at ng lokal na gobyerno ng Kabayan para pag-aralan kung paano maisasalba ang mummies laban sa malamig na klima.

Noong nakaraang taon, unti-unti ring nasira ang nasabing natural mummies dahil sa mga insekto at moisture.

Ang nasabing mummies ay tinatayang umaabot na sa libong taon. Nenet Villafania

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply