Dahil sobrang lamig, Ifugao mummies posibleng mabulok

NANGANGANIB mabulok ang mga nakapreserbang bangkay ng mga Ifugao sa Benguet dahil sa sobrang lamig ng panahon, ito ang napag-alaman ng Remate.PH.

Ayon kay Kabayan Municipal Tourism Officer Berry Sangao Jr., apektado na ang mummies sa Kabayan, Benguet na nasa loob ng Timbak Cave dahil sa mababang temperatura sa nasabing lugar.

Ang nasabing kuweba ay malapit sa bayan ng Atok at Mt. Pulag, Benguet, na may pinakamalamig na klima.

Hinihintay pa ng mga opisyal ang resulta ng pag-aaral na isinagawa ng taga-National Museum sa mummies upang maaksyunan ang anumang problema ukol dito.

Regular ding nagpupulong ang mga anthropologist ng National Museum at ng lokal na gobyerno ng Kabayan para pag-aralan kung paano maisasalba ang mummies laban sa malamig na klima.

Noong nakaraang taon, unti-unti ring nasira ang nasabing natural mummies dahil sa mga insekto at moisture.
Mahigit isang libong taon na umano ang nasabing mummies. Nenet Villafania

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply