Dalaga, ginahasa, bago pinatay

GINAHASA muna saka pinugutan ng ulo ang 19-anyos na dalaga, makaraang dukutin ng suspek habang naglalakad kasama ang dalawang kaibigan sa Barangay Urdaneta, Magallanes, Cavite, iniulat, Miyerkules ng umaga.

Sa natanggap na ulat ni Cavite Provincial Director P/Sr. Supt. Danilo Maligalig, ang biktima ay kinilalang si Mary Jane dela Vega, ng Sitio Pintong Gubat, nasabing lugar.

Patuloy namang pinaghahanap ng pulisya ang suspek na nakilalang si Cesar Catipon, ngayon ay nahaharap sa kasong Murder.

Sa imbestigasyon, 7:30 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktima na hubo’t hubad at pugot ang ulo sa isang madamong lugar sa nasabiding lungsod.

Ayon sa pa sa pulisya, bandang 9:00 ng gabi nitong Lunes habang naglalakad ang biktima kasama ang dalawang kaibigan nang dukutin ang biktima ng suspek at pwersahang tinangay na wala namang nagawa ang dalawang kaibigan dahil sa sobrang takot.

Agad ipinagbigay alam ni Brgy. Councilor Aiano Icaciano ang pangyayari sa pulisya, pero patay na nang matagpuan ang biktima.  Gaynor Bonilla

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply