Dalawang beses nang nasibak: Lovi Poe walang kwentang endorser?

NAULIT na naman yung isyu tungkol sa pagdya-junk kay Lovi Poe bilang endorser ng Afficionado Germany Perfume.

In fairness, prangka lang naman si Joel Cruz na kapag tinatanong siya tungkol kay Lovi, ‘yung totoo lang ang sinasabi niya.

For a fact, kahit kami si Lovi Poe, ay masasaktan sa ganyang sitwasyon, pero tanggapin na lang niya, mahina siyang bumenta, kaya siya sinibak.

Ang nakatatakot, baka lahat ng endorsement ni Lovi, matigbak, dahil nga mukhang didikit yung isyung patay-patay na endorser si Lovi Poe.

Di ba, sinibak din siya bilang endorser ng Olive Placenta ng New Placenta Soap?

Samantala, nagpaliwanag si Joel tungkol naman sa latest intriga sa kanila ni Lovi Poe.  Ayon sa kanya, nasabi niyang mas bumebenta ang perfume ng isa nilang endorser na si Ronnie Liang kesa sa nasabing young actress.

Ito umano ang dahilan kung bakit hindi na ni-renew pa ng Aficionado ang kontrata ni Lovi bilang endorser.

May balitang nasaktan ang kampo ni Lovi sa sinabing ito ni Joel pati na rin ang manager ng young actress na si Leo Dominguez.

Ayon kay Joel, hindi niya direktang sinasabi na hindi naging mabenta ang pabango ni Lovi. Natanong daw siya kasi na parang something like “you mean to say, mas mabenta ang pabango ni Ronnie?”

“Tinanong lang naman ako and siyempre, ’pag nandu’n ka sa ganu’ng posisyon na tinatanong ka ng mga host, siyempre, paano mo sasagutin ’yung ganu’n? Basta ako, in all honesty, sasagutin ko na lang kung ano ’yung tama. Kaya sa mga tanong na ganito, maiipit ka na lang talaga, ’yung ganu’n.”

Hindi naman daw niya direktang sinabi na hindi bumebenta ang brand ni Lovi at nagkaroon lang talaga ng comparison because of the question.

Nonetheless, humihingi raw siya ng paumanhin kay Lovi at sa manager nitong si Leo kung nasaktan ang mga ito dahil wala raw siyang intensyong ganu’n at mahal na mahal niya ang young actress.

Kung hindi man daw na-renew si Lovi, ito ay dumaan sa isang proseso kung saan ay hindi lang siya ang nagdedesisyon. Napakarami raw nila sa board at idinadaan daw sa botohan.

Pinag-aaralan daw ng buong board ang pagre-renew sa kontrata ng certain endorser pati na rin ang lahat ng product na bumebenta at hindi.

But definitely, nakatulong naman daw si Lovi sa Aficionado, magaan ang pinagsamahan nila at maayos daw ang kanilang naging paghihiwalay.

Samantala, nagkaharap na rin si Gary Valenciano at Charice Pempengco in a back-to-back concert at launching ng bagong scents ng Aficionado Germany Perfumes and Joel Cruz signatures noong January 8, Saturday, sa SM Mall of Asia Concert Grounds.

Sina Charice and Gary ang bagong endorsers ng Aficionado kung saan ay mayroong two variants si Mr. Pure Energy called Gary Valenciano for Aficionado habang ang international singing sensation naman ay three variants of patented scents manufactured for her: Charice Perfume for Women, Charice’s Unisex Perfume and a men’s cologne.

Ito ang unang pagkakataon na nagkasama sina Gary and Charice in a back-to-back concert-fashion show billed as 1@11.

Sinabi ni Gary na talagang pinaghandaan niya ang concert. “I had to prepare because Charice has been exposed to the international (scene), you know,” say niya.

Naging masaya at matagumpay at gaya nang gusto ni Gary V., “I’m gonna have fun, I’m coming up there because Joel believes that we’re worthy enough of setting up on the stage in front of 80,000 people and I’m excited to perform with Charice, I really am,” say pa ni Gary before the concert.

At natupad ang nais niyang fun performing with Charice. Cesar Pambid

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply