Darleb, Righthererightnow nagpasiklab

IPINAKITA nila Darleb at Righthererightnow ang kanilang tikas ng manalo ang mga ito sa magkahiwalay na karera noong Biyernes ng gabi sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Sina Darleb at 2010 Presidential Gold Cup runner-up Righthererightnow ay ginabayan nina star jockeys Jefrill tagulao Zarate at Jonathan “Unoh” Hernandez ayon sa pagkakasunod.

Unang nagwagi si Darleb sa race 2 matapos tawirin ang meta sa naganap na Class Division 8 habang sa race 6 naman ay nagwagi si Righthererightnow sa CD’s 10-9.

Umoras si Darleb ng 1:22 sa 1,300 meter race habang 1:21 naman ang tiyempo ni Righthererightnow.

“Parehong maganda ang ipinakita nina Darleb at Righthererightnow kaya sa tingin ko marami pang ipapanalo itong dalawa,” wika ni AL Francisco trainer ng dalawang nasabing kabayo.

Samantala, bukas ilalarga ang 2011 Philracom Garnet III kung saan walong kalahok ang mag-uunahan para maangkin ang halagang P300,000 na premyo sa mananalong kabayo.

Ang mga kalahok sa event na inisponsoran ng Philippine Racing Commission ay sina Pritil, Prince Isiah, Hi Money, My Keys, Barkley, Bosbarawana, Whistler at Sulong Pinoy.

May nakalaan din na P112,500 sa second placer habang P62,500 at P25,000 ang para sa third at fourth placers ayon sa pagkakasunod. Elech Dawa

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply