Dating NBI official, natagpuang patay

NATAGPUANG patay ang dating National Bureau of Investigation official sa loob ng kanyang bahay sa Muntinlupa City, Biyernes ng gabi.

Batay sa radio report ng dzBB, nakita ng mga pulis ang isang revolver at ang bangkay ni dating NBI deputy director Alejandro Tenerife.

Ayon pa sa inisyal na imbestigasyon, si Tenerife, 69, ay pinahirapan ng kanyang sakit. Si Tenerife ay naging deputy director for special investigation sa NBI.

Patuloy pa ring inaalam ng mga imbestigador ang dahilan ng pagkamatay nito at kung may foul play na nangyari. Marj Dacoro

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply