Davao Oriental nilindol

NILINDOL ang Davao Oriental na may magnitude na 4.4, gabi ng Huwebes.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang pagyanig bandang 6:20 p.m. at napag-alamang ito ay tectonic.

Batay sa Phivolcs’ bulletin, natagpuan ang epicenter nito sa 125 km southeast ng Mati, Davao Oriental.

Hindi pa malaman kung saan naramdaman ang naturang pagyanig.

Wala namang napaulat na aftershocks matapos ang lindol.

Batay naman sa United States Geological Survey (USGS), naitala ang pagyanig sa magnitude 5 kung saan ang epicenter nito ay nasa 175 km east-southeast ng Davao; 200 km east ng General Santos City; 245 km south-southeast ng Hinatuan; o 1,125 km southeast ng Manila. Marj Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply