De Lima di dapat sumama sa HK — DFA

PINAYUHAN na ng Department of Foreign Affairs (DFA) si Justice Secretary Laila de Lima na huwag sumama   sa delegasyon dahil wala naman itong pormal na imbitasyon mula sa gobyerno ng Hong Kong.

Ang pagsawata kay De Lima ng DFA ay kaugnay sa ginagawang pag-abiso sa 116 testigo para sa kanilang pagtungo sa nasabing lugar upang humarap sa isasagawang pagdinig kaugnay sa naganap na August 23, 2010 Quirino Grandstand Hostage Incident  kung saan walong Hong Kong tourists ang napatay.

Ito ay bilang kooperasyon sa kahilingan ni Kevin Cervos ng Hong Kong Coroner’s Office sa gagawin nilang pagdinig sa Pebrero 14-25.

Ang nasabing pagdinig na gagawin ng Hong Kong ay kahalintulad din umano ng ginawang pagsisiyasat ng Incident Investigation and Review Committee (IIRC).

Ayon kay Hong Kong Consul General Claro Cristobal, walang pormal na imbitasyong ibinigay ang pamahalaan ng Hong Kong na humihiling kay De Lima na magtungo doon.

Nilinaw pa ni Cristobal na babalikatin ng Hong Kong government ang lahat ng gastusin at pangangailangan ng mga testigong matutungo doon pero hindi naman pagkakalooban ng pamahalaan ng Pilipinas ng abogado ang mga ito.  Johnny F. Arasga

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply