Dean ng Makati University nagbaril sa ulo

PATAY ang 29-anyos opisyal ng isang unibersidad sa Makati nang pasabugin ang sariling bungo sa loob ng kanyang bahay sa Mandaluyong City, iniulat Huwebes ng umaga.

Sabog ang bungo nang makita ang bangkay ng biktimang si Samuel Icalina III, dean ng College of Nursing ng University of Makati, at residente ng Manor Building, Boni Avenue, nabanggit na lungsod.

Ayon sa hepe ng Investigation Division ng Mandaluyong Police na si SPO4 Rey Suarez, natuklasan ang bangkay ng biktima ng kanyang kapatid ala-1 ng madaling araw nakalupasay sa kama at may tama ng bala sa ulo.

Tinatayang namatay ang biktima noon pang Martes ng gabi ayon sa pulisya dahil matigas na ang bangkay nito.

Wala umanong nakitang palatandaan ang pulisya ng anumang pwersahang pagpasok sa kuwarto ng biktima.

Nakita ang kalibre 45 baril sa dibdib ni Icalina, sinasabing ginamit ng binata sa pagpapakamatay.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo ng biktima sa pagpapakamatay. Ben Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply