Demolisyon sa San Juan, mahigit 50 sugatan

TINATAYANG mahigit sa 50 katao, kabilang ang mga local official, ang nasugatan sa madugong demolisyon sa residential area ng San Juan, Martes ng umaga.

Batay sa report ng dzBB, nagbato ng mga bato at ng mga bote ng tubig  ang mga residente makaraang tangkaing gibain ng mga demolition team kasama ang mga pulis ang kanilang kabahayan. Nilagyan din ng mga residente ng barikada ang daanan sa P. Narciso Street at Pinaglabanan Shrine.

Batay sa report, bandang 8:00 a.m. nang magtungo ang demolition team sa lugar kung saan sinalubong sila ng mga bato at matitigas na bagay na inihagis ng mga residente roon, na nagbunsod sa kanila upang magtago upang hindi matamaan.

Nabatid na gumamit na ang demolition team ng tear gas sa mga residente dahil sa hindi maawat ang mga ito habang ang mga  bumbero ay nagpaulan na ng tubig.
Natamaan din si San Juan City Engineer Danilo Mercado ng isang matigas na bagay sa kanyang ulo. Marami sa mga residente, kabilang na ang mga bata ang nasugatan sa insidente.

Gigibain ang mga kabahayan sa naturang lugar upang bigyan daan ang pagpapagawa ng bagong city hall ng San Juan.

Ayon pa sa report, 1,000 pamilya ang tinatayang mawawalan ng tahanan matapos ang demolition.  Marj Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply