Demolisyon sa San Juan bukas tuloy na

POSIBLENG sumiklab ang madugong demolisyon bukas sa San Juan City makaraang itakdang gibain ang mga may 2,000 kabahayan kung saan tumututol ang mga residente na umalis sa lugar na planong pagtayuan ng bagong City hall.

Nabatid na naglagay na ng mga checkpoint ang  San Juan City PNP  sa mga kalsada papasok at palabas upang ma-monitor ang mga kahina-hinalang pagkilos ng mga residente.

Nauna nang nagbanta ang mga naninirahan dito na ipaglalaban nila ang kanilang lugar laban sa demolisyon  anuman ang mangyari. Nagsisimula na rin umanong maglagay ng barikada ang mga residente upang antalahin ang mga pagtatangka na gibain ang kanilang mga bahay.

Natapos na ang palugit ng lokal na pamahalaan sa mga residente para lisanin ang lugar at may nakahanda ng relokasyon para sa kanila sa Laguna at Bulacan.

Ayaw namang patulan ng samahan ng nasabing lugar ang mga relokasyon dahil matagal na umano sila ditong naninirahan. Napakalayo anila ang mga relokasyon at hindi nila alam kung ano ang kanilang mga ikabubuhay doon.

Nakahanda naman ang mga tauhan ni acting chief of Police Sr.Spt. Benjamin Feliciano sa anumang kaguluhan na mangyayari sa isasagawang demolisyon. Ben Reyes

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply