Dennis Trillo at Jennylyn, okay lang na hindi na-nominate sa MMFF

BACK to work na si Dennis Trillo mula sa holiday vacation niya kasama si Jennylyn Mercado Sa Hongkong kaya nagkaroon na kami nang pagkakataon na kamustahin ang nangyaring pang-iisnab ng MMFF awards kay Jennylyn sa best actress nominations. Dinibdib ba nang husto ng kanyang girlfriend ang hindi nito pagkaka-nominate?

“Hindi naman. Hindi naman siya naapektuhan nang husto sa nangyari. Hindi rin naman kasi siya nag-e-expect. ‘Yung mga tao lang naman ang nagsasabi sa kanya na siya na ang mananalong best actress. Pero hindi naman ýun ininda ni Jenn.

“Pumunta kami sa MMFF awards bilang pagbibigay-pugay sa pelikulang Pilipino. At pareho kaming nagpapasalamat na kami ang napiling best dressed male and female celebrity ng gabing ýun. Ni hindi namin alam na may award pala na ganoon nang pumunta kami,”pahayag ni Dennis.

Kapansin-pansin din na hindi man lang siya na-nominate rin sa best actor or best supporting category sa nakaraang MMFF awards. Mas pinili pa ng jurors na i-nominate ang mga kasamahan niya sa pelikula na sina Yul Servo at Sid Lucero. Ano ang masasabi niya dito?

“Nalungkot lang ako kasi dapat sila ang mga nanalo kasi ang galing nila talaga sa movie. They both deserved to win. Honestly, speaking mas mabigat naman kasi ang roles na ginampanan nina Yul at Sid sa akin sa Rosario.

“Wala rin akong dapat ipagtampo sa MMFF awards kasi pinanalo na rin nila ako noon sa pelikulang Aishite Imasu. Nagkataon lang na sa role ko ngayon sa Rosario, the jurors must have felt na kulang ýung bigat ng role ko to merit a nomination,” katwiran ni Dennis.

Ano naman ang happenings nila ni Jennylyn sa Hongkong? At ano ang naging Christmas gift nila para sa isa’t isa?

“Dinala namin sina Calix at Alex Jazz sa Disneyland doon. Magkasundong-magkasundo sila since pareho naman silang boys. Kasama namin ang buong pamilya namin pareho kaya super bonding talaga kami.

“Ayoko nang sabihin kung ano ang niregalo ko sa kanya. Basta it’s something na mahirap i-set-up. I felt kasi na gusto niya yun kaya yun ang binili ko sa kanya. Nagustuhan naman niya yun nang husto. Ang binigay niya naman sa akin eh, something techie. Hindi ko na lang sasabihin eksakto kung ano yun,”iwas ni Dennis.

Hinulaan si Jennylyn na mabubuntis daw ito ngayong 2011. Ano ang masasabi niya dito?

“Naku, pareho kami ni Jenn na hindi naniniwala sa hula. Malabong mabuntis si Jennylyn this year kasi we both agreed na wala munang kids dahil maliliit pa pareho sina Calix at Alex. Isa pa, siyempre mauuna muna ang kasal bago ang anak di ba? As of now, wala rin kaming napag-uusapan tungkol sa kasal kasi we’re both busy with our careers. Mag-iipon muna kami pareho. Basta ang sigurado, I want her to be my wife someday,” tugon ni Dennis.

Leading lady na naman ni Dennis si Heart Evangelista sa bago nilang teleseryeng Dwarfina. Very vocal siya noon sa pagkaka-crush niya kay Heart dati, nabago na ba yun ngayong sila na ni Jennylyn?

“Heart will forever be my crush. Hindi mawawala ang paghanga ko sa kanya. Pero mahirap na maintriga kaming dalawa kasi pareho kaming happy sa sarili naming lovelives!”pahayag ni Dennis.

And speaking of Dwarfina, sigurado kaming magugustuhan ito ng mga bata dahil sa ganda ng special effects nito. Maganda ring subaybayan ang love story ng binata (Dennis) at ng kanyang kababatang duwende (Heart). Tonee Coraza

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply