Dennis Trillo hinulaang mabubuntis si Jennylyn Mercado

PINAGTAWANAN lang ni Dennis Trillo ang hula na baka mabuntis niya si Jennylyn Mercado. Hindi raw kasi siya naniniwala sa mga hula-hula.

Kaya nga raw tinawag na hula ay walang kasiguraduhan ang lahat. Ang nangyayari raw sa ating buhay ay nasa ating mga kamay at mga paniniwala.

May dugong Chinese si Dennis at may sinusunod silang mga pamahiin at paniniwala lalo na kapag nagpapalit ang taon. Pero lumaki at nagkaisip si Dennis sa modernong mundo. Nasa tao na raw kung maniniwala ka sa hula o hindi.

“Ilan beses na akong hinulaan noon na hindi naman nagkatotoo. Depende naman kasi yan sa taong hinulaan kung maniniwala siya. The more na naniniwala ka, baka mangyari. Nabubuhay ako sa nangyayari sa akin araw-araw. Wala akong pinaplano ng sobra-sobra. ‘Yung hanggang kaya ko lang,” pahayag ni Dennis nang makatsikahan namin sa set ng Dwarfina na pinagbibidahan ni Heart Evangelista.

Siniguro ni Dennis na mas priority nila ni Jennylyn ang kanilang showbiz career dahil ‘yun daw ang kanilang pinagkasunduan.

“Sa trabaho kami ni Jen nakatutok. ‘Yun ang sinabi namin sa isa`t-isa. Kahit na may maganda kaming relasyon, hindi puwedeng mabalewala ang aming trabaho. May kanya-kanya kaming anak na binubuhay kaya importante ang maayos kaming makapagtrabaho para tuloy-tuloy ang blessing sa amin,” say pa ni Dennis.

*************

Finally, ipakikila na si Louise delos Reyes bilang isang ganap na actress. Una siyang nabigyan ng break sa mga teen royalties ng GMA 7, na afternoon show tuwing Linggo, Reel Love Presents Tween Hearts.

Ngayon dumating na ang pinakamalaking break ni Louise bilang solo star dahil siya ang bida sa pagpasok ng first quarter sa original drama series na “Alakdana.”

Gagampanan niya ang role ni Adana na ipinanganak na may kakaibang parte ng katawan, may buntot ng alakdan. Pero mamumuhay siyang normal kahit may nakatagong lihim. Nagkaproblema lang sa tuwing nagagalit siya dahil lumalabas ang kanyang buntot.

Makakasama ni Louise na 17 years old na ngayon sina Paolo Avelino, Ritchie Paul Gutierrez at Alden Richards. At susuportahan din siya nina Jean Garcia, Jobelle Salvador, Perla Bautista, Racquel Montesa, Buboy Tan, Joana Marie Tan, Matthew Mendoza  at Ian de Leon na ididirek ni Mac Alejandre.

Pero gaano katotoo nagtampo raw ang iba pang talent ng Artist Center dahil mas nauna pang bigyan ng solo project si Louise samantalang nandiyan naman si Bea Binene na puwedeng sumabak sa action dahil bihasang nang naglalaro ng Wushu.

Reaction naman ni Bea na nagtatampo raw siya sa GMA Artist Center. Aniya, wala raw katotohanan nagtampo siya sa Siyete at kuntento raw siya sa pamamalakad ng kanyang career.

Masaya raw siya at nabigyan ng break kaagad si Louise at hindi naman niya itinanggi na magkaroon din ng solo project pero hindi raw siya nagmamadali dahil malaki ang tiwala niya sa GMA Artist Center.

MARIAN AT DINGDONG,  MAGHIHIWALAY SA END OR 3RD QUARTER OF 2011

Expected na magsusulputan ang iba`t-ibang hula sa mga artista ng mga psychic pero ilan kaya sa kanila ang magkaka-totoo.

May nagulat at may nagtaas ng kilay sa prediction ng dalawang psychic sa pagmamahalan nina Dingdong Dantes at Marian Rivera dahil maghihiwalay daw ang dalawa sa 2nd or 3rd quarter of this year?

May nag-predict naman na manghuhula na matutulad rin raw ang pagmamahalan nina Dong at Marian sa naganap na kasalan nina Regine Velasquez at Ogie Alcasid.

May mga psychic din kuno na nagpe-predict nang magiging kapalaran ng isang artista na nabasa lang niya sa dyaryo ang nangyayari sa artista ito, in short, sinabi lang niya ang nabasa sa isang entertainment columnist.

Anyway, hindi naman maiiwasan na magsulputan itong mga psychic dahil ito ang panahon para sila makilala at magkaroon din ng maraming kliyente.

Ang isa sa masasabi namin credible sa kaniyang prediction ay ang binansagang Nostradamus of Asia na si Jojo Acuin.

Pero sad to say namayapa na ito. Sayang dahil sa ganitong panahon siya ang numerong unong kinukuha ng mga TV show para magbigay ng predictions sa mga artista, pulitiko at iba pang celebrities pati na rin sa buong bansa.

Yumao si Mr. Acuin last April 2010, pero ano itong nabalitaan namin na may latest prediction na ginawa ang psychic para sa taong 2011 at kasalukuyang nang nabibili sa mga book stores.

May nagduda na fake ang nasabing prediction at ginagamit lang ang pangalan ni Jojo Acuin dahil paano ito makakagawa ng prediction for 2011, gayung Abril ito yumao?

Para kumpirmahin kung ito ay gawa nga ni Mr Acuin, tinanong namin ang dating staff Jojo at pinatotohanan nitong may nag-release talaga ng huling prediction ng sikat na psychic.

Nang panahon raw labas-pasok na sa ospital si Jojo Acuin ay may nakipag-negotiate na isang publishing house para kunan siya ng prediction for 2011.

Ito na ang huling pagkakataon na makikita at mababasa natin ang prediction ng binansagang Nostradamus of Asia, Jojo Acuin.

**************

Nakakatuwa talaga si Kris Aquino dahil kahit nasa Singapore at nagbabakasyon kasama ang dalawang anak na sina Joshua (anak niya kay Philip Salvador) at Baby James (anak nila ni James Yap) ay hindi ito nakakalimot mag-update sa kanyang Twitter account ng mga latest na nangyayari sa kanila roon.

Ang tweet ni Kris last Monday, “Now doing the city tour. I really pray Metro Manila can have many more trees because it makes the environment so much more pleasant and alive!”

Tsinika rin niya ang pagsubok nilang mag-iina sa Singapore Flyer.

“Sarap because view of whole Singapore but aircon! Comfy and comprehensive!” tweet pa ni Kristeta.

Hindi rin nakakalimot si Kris na magpasalamat sa patuloy na success ng Dalaw at kahit nasa Singapore siya ay very much update siya sa gross nito.

Tweet niya uli;”Good morning: P76, 211, 925.64 na total earning of  Dalaw until last screening of Jan 2. Many thanks, much gratitude for your support!”

Tsika pa ni Kristeta, sa kasalukuyan ay may 109 theaters na ang movie nationwide, 46 sa Metro Manila at 63 naman sa probinsiya.

Pagbalik ni Kristeta, siguradong sasalubungin na naman siya ng pagtatanong ng press sa inilagay niya sa Twitter account na pagbili ng ticket nina Mayor Binay at Mayor Strike Revilla. Gerry Ocampo

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply