Determinasyon

HINDI lang iilan sa mga kababayan natin ang nakararamdam ng pagdarahop sa gitna ng krisis ng ating ekonomiya.   Maging ang mga itinuturing na nasa Class A at B o mga negosyante ay umaangal na rin sa tumal ng kanilang negosyo.  Pero hindi sapat na magmukmok sa isang tabi at magreklamo na lang at hindi gumawa ng paraan kung paano maitatawid ang mga gastusin ng pamilya.

Sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino o PNoy,  kabilang  sa kaniyang plataporma ay lumikha ng mga trabaho, maliliit na negosyo, pagkain sa pamilya para maiangat ang buhay at pamumuhay ng bawat Pilipino.

Pinakikilos nito ang mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno para tugunan ang kaniyang mga programa lalo
na sa mahihirap.

Mula sa rehiyon ng Bicol, hindi nakuntento si Marlyn Beato-Rosin, 38, isang manikurista, sa halos P100 kita nito sa isang araw.  Hindi malaman  kung saan  kukunin ang susunod na ihahain sa kaniyang pamilya.  Hindi sapat upang mapunan ang pang-araw-araw na pangangailangan ng pamilya.

Kakambal ang lakas ng loob at determinas-yon, kumpiyansa si Marlyn , na maaari pang lumaki ang kanyang kita.  Naniniwala siya na hindi dapat maging kampante o tamad ang isang magulang na gaya niya.  Hindi dapat na iasa ang gastusin ng pamilya sa mga kamag-anak at kaibigan sa isang gaya niya na 5 ang anak at tricycle driver na asawang si Edwin.

Ngunit dahil sa kakulangan ng puhunan, gamit, at pagsasanay, limitado ang serbisyong kaniyang naibibigay sa mga kliyente kaya maliit lamang ang kanyang kita.

Ang pamilya ni Marlyn ay nakatira sa Pugnaw, Taysan, Legazpi City, isang oras na biyahe sa malubak at maputik na daan patungo sa bayan.  Hindi ito naging hadlang para hindi siya makapagsanay sa livelihood office ng DOLE.

Subali’t matapos niyang sumailalim sa pagsasanay at tumanggap ng kumpletong livelihood package sa beauty and foot spa services mula sa Department of Labor and Employment Regional Office sa Bicol, lumaki ang kanyang kita mula P400-P500 kada araw.

“Salamatunun po sa DOLE ta grabe su naitabang samuya. nakaka-klase po kame ki maray asin nakakabakal na kan mgakaipuhan mi.”  (Maramig Salamat sa DOLE dahil sobra-sobra ang naitulung ninyo sa amin. Nabibili na po namin ngayon ag  ka-  ilangan sa pag-aaral at umayos na po ang buhay namin)

“Malaki po talagang tulong itong livelihood package at training para sa akin at sa aking pamilya.  Matagal ko nang pangarap ang foot spa machine at kumpletong gamit sa manicure at pedicure.  Salamat sa DOLE, malaki ang na- itulong nila sa katulad naming mahihirap,” ani Marlyn.

Masaya ding nabanggit ni Marlyn na naibibigay na niya ang pangangailangan ng kanyang pamilya, at natutustusan na rin niya ang pag-aaral ng kanyang mga anak.

“Ngayong mayroon na akong kumpletong gamit, wala nang dahilan para hindi kami makakain nang sapat at makapag-aral ang mga anak ko.  Malaking ka-ginhawaan ito sa amin.  Kailangan lang talaga na maging masipag   upang mapalago at maalagaan ang binigay ng DOLE,” ani Marlyn.

Si Marlyn ay isa sa 19,067 manggagawa na nasa impormal sektor na nabigyan ng pagsasanay, tulong, at serbisyo sa   ilalim ng DOLE Kabuhayan Program upang makatulong sa kanilang paghahanapbuhay at madagdagan ang kanilang kinikita.

Karamihan sa mga nakinabang sa livelihood capability building ay mga magsasaka na may bilang na 5,425, kasunod ang mga manggagawa mula sa informal sector na may 3,655 at home-based workers na may 2,487.

Ang iba pang sektor na nabigyan ng tulong ay mga ma-ngingisda (1,869); nagtitinda sa kariton o iyong mga naglalako (1,859); alternative transport service workers (1,477); mga umuwing overseas Filipino workers (OFWs) at kanilang pamilya (1,100); IP workers (827) at mga manggagawang may-kapansanan (368).

Sa ganang bahagi ng DOLE, ito ay nakapagtatag na ng 1,634 self-employed livelihood projects sa ilalim ng programang livelihood formation capacity building kung saan 17,910 na mga walang trabaho ang nakinabang, at 10,625 sa mga ito ay mga kababaihan.

Sa ilalim ng DOLE Kabuhayan program, tutulungan ng DOLE regional offices na patatagin ang mga manggagawang may sariling kabuhayan sa pagbibi-gay ng pagsasanay, ka-gamitan, pagtatayo ng common service facilities, at pagbibigay ng kaalaman sa pagnenegosyo.

Nakapagbigay rin ang DOLE regional offi-ces ng 168 training para sa 5,929 manggagawa mula sa informal sector, kung saan 2,399 o 41 porsiyento ay mga kababaihan.  Kabilang sa tinalakay ay ukol sa entrepreneurship, business development and planning, productivity improvement and workers’ safety and health.

Nitong Oktubre 2010, naglabas ang DOLE ng P35,124 milyon halaga ng raw materials, inputs and jigs na ibinigay sa mga manggagawa.  May P8.122 milyon naman ang inilaan ng DOLE sa pagtatayo ng 336 common service facilities kung saan 144,529 manggagawa ang nakinabang.  Ang mga manggagawa rin ang namamahala ng common service facilities kung saan nila ginagawa ang kanilang kabuhayan.

Kabilang sa kabuhayan na naibigay ng DOLE ay pedicab driving, paglalako ng paninda, water refilling station, food processing, massage and spa, welding, goat raising, swine fattening, dress/garments making at pagtatanim ng gulay. Linda Bohol

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply