DFA, inaayos ang pagbalik ng labi ng Filipina nurse mula Saudi

NAKIKIPAG-UGNAYAN na ang embahada ng Pilipinas sa Riyadh upang maibalik ang mga labi ng Filipina nurse na kasamang
namatay matapos bumagsak ang sinasakyang helicopter nitong Biyernes.

Kinilala ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang nasawi na si Rosella Pagalilauan na kabilang sa mga nakasakay sa helicopter na pagmamay-ari ng Saudi Armed Forces Medical Services.

Nangako naman ang Office of the Undersecretary for Migrant Workers Affairs ng DFA na bibigyan nila ng kaukulang tulong ang pamilya ni Pagalilauan.

Patungo sana ng Hawtah bani Tamim sa Katimugang Riyadh ang helicopter para sunduin ang isang pasyente nang maganap ang aksidente.

Kasama ni Pagalilauan ang mga pilotong sina Capt. Khaled Al-Dakhil at First Lt. Mandeel Al-Subaihi ng Saudi Arabia at Dr. Amjad Al-Iraqi ng Egypt. Johnny F. Arasga

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply