Diabetic, nagbaril sa ulo

WINAKASAN ng isang mister ang kanyang paghihirap sa sakit na diabetes sa pamamagitan ng pagbaril sa ulo sa Bacoor, Cavite, iniulat Miyerkules.

Gamit ang kalibre 38 pistol, winakasan ang sariling buhay ng biktimang si Alfredo Miranda, 59, ng Talaba 4, nasabing bayan.

Ayon sa salaysay ng anak ng biktima na si Almina, 9:30 ng umaga ay kumain pa sila ng kanyang ama ng agahan pero matapos nito ay agad nang pumasok ang biktima sa kanyang silid.

Ilang sandali pa ay nakarinig umano siya ng alingawngaw ng baril at nang tunguhin ang ama ay wala na itong buhay.

Paniwala ng pamilya ng biktima na hindi na nakayanan ni Miranda ang kanyang sakit na diabetes kaya pinili na lamang nitong magpakamatay. Gaynor Bonilla

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply