Diaz, naka-pilak sa Int’l weightlifting

GINULAT ni Beijing Olympian Hidilyn Diaz ang mundo ng Philippine weightlifting matapos makatiyak ng silver sa China International Weightlifting Federation (IWF) Grand Prix sa Fuchan Province sa China.

Ang 19-anyos na si Diaz ay nai-angat ang 85 kgs. sa snatch at 110 kgs. sa clean and jerk sa kabuuang 195 kg.

Ang kanyang performance ay sapat na dahil nakadikit lang niya si China bet Deng Wei sa  women’s 58-kg. division

Nabuhat ni Diaz ang mas mababa pa kumpara sa 209 kg. total niya sa 2010 Asian Games sa Guangzhou, China.

Sa nasabing event ay tumapos siyang sixth bagama’t sapat na ang kanyang pagod para makapagbulsa ng $3,000  sa nasabing invitational event. Gilbert Perdez

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply