Diktador na si GM Honrado at sinungaling na DOJ

IDINEKLARA na ni MIAA GM Bodet Honrado ang martial law sa loob ng airport!

Yan ang paniwala ng ating mga kapatid sa pamamahayag na naka-destino r’yan sa airport.

Bawal na sa loob ng airport ang lahat ng mamamahayag, hanggang lobby na lang ang kanilang access pass.

Sa madaling salita, kapag may nagpalusot ng baril sa customs ay siguradong hindi na ito makikita ng mga mapagmatiyag na mata ng mga mamamahayag.

Ayon  sa ating uzi, kitang kita raw na gumaganti na si Honrado sa mga nakabuking sa kanyang pagsalubong noon sa convicted gun smuggler na si ex-Cong. Nicanor de Guzman.

Hooops! Hindi po nanini-wala ang ULTIMATUM na pagsalubong ang pakay ni Honrado kung kayat nandun din ito sa airport nang kasalukuyang hinuhuli si Cong. De Guzman, pero hindi ba’t PSG siya ng mga panahong iyon?

Eh…. Ano ang ginagawa n’ya sa airport?

Nakiki-usyoso lang?

Hindi po tutol ang ULTIMATUM sa polisiyang ipinalabas n’yo, GM Honrado, na pagbabawal sa mga mamamahayag na pumasok ng airport.

Ang kinukuwestiyon po namin ay ang kredibilidad n’yo?

oOo

Bilib po tayo kay Immigration OIC Ronaldo Ledesma sa ipinatutupad nitong patakaran na stop human smuggling.

Pero bigla po tayong nawalan ng paniwala makara-ang malaman natin na kahit na baluktot ang utos ng DOJ ay sunud-sunuran lamang itong si Ledesma.

Sangkatutak na opisyal ang ipinatapon ni Ledesma sa lahat ng sulok ng Pilipinas.

Yan daw ay dahil sa utos ng isang Usec. Salazar.

Pero may mga sapat na ebidensiya daw kung kayat sinusunod n’ya ito.

Pero bakit ang sumbong ng ULTIMATUM na HUMAN SMUGGLING na ginawa ni Raul Medina ay hindi n’yo inaksiyunan?

Dahil ba sa nakapatong kay Medina ang DOJ?

O mayroon ka ring tinitingnan o tinititigan, Atty. Ledesma?

Dinedenay ni Usec Salazar na patong s’ya kay Medina nang tumawag sa ating cellphone si Dante Vino, pero bakit hindi pa rin nasisibak sa airport yang tarantadong yan?

Lokohin n’yo lolo n’yo!

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.  Maaari n’yo rin pong mabasa ang ULTIMATUM sa www.remate.ph
Benny Antiporda

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply