Discount sa tollways ipinanukala ng 2 solon

DALAWAMPUNG porsiyentong diskwento ang nais ng magkapatid na kongresista para sa mga pribadong motoristang dumadaan sa North Luzon Expressway (NLEX), South Luzon Expressway (SLEX), Subic Clark-Tarlac Expressway (SCTEX) at Metro Manila Skyway.

Ito ang ipinanukala kahapon nina Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez at Abante Mindanao Rep. Maximo Rodriguez Jr. sa House Bill 3932 matapos magkaroon ng panibagong pagtataas sa toll fee.

Anila, masyadong mabigat para sa mga motorista ang panibagong pagtaas sa toll na umabot sa 200-300 porsiyento.

Tinukoy din ng mga kongresista na araw-araw ay umaabot sa kabuuang 160,000 na behikulo ang dumadaan sa NLEX at SLEX  at 20,000-30,000 naman sa SCTEX.

Malaki ang paniwala ng dalawang mambabatas na mababawi ng mga kumpanya ang anumang repair o konstruksyon sa mga nabanggit na expressway dahil libu-libong motorista ang dumadaan sa naturang lansangan araw-araw.
Sa ilalim ng panukala, mabibigyan ng 20 porsiyentong diskuwento ang mga behikulong may sakay na apat na pasahero na dumadaan sa NLEX, SLEX, SCTEX at Skyway.

Sa ganitong paraan, ayon sa kanila, ay maiibsan ang daloy ng trapiko. Dadami rin umano ang magka-car pooling na makababawas sa polusyon dulot ng usok ng mga sasakyan.  Meliza Maluntag

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply