Discount sa MRT, LRT inihirit sa DOTC

INIHIRIT ni Sen. Manny Villar sa Department of Transportation and Communications (DOTC) na pag-aaralang ang posibilidad ng pagbibigay ng diskuwento sa persons with disabilities (PWDs), senior citizens at mga  empleyado ng gobyerno at mga estudyante.

“The new year welcomed us with price increases in toll fees, petroleum products and basic commodities. With the looming fare hike in the LRT and MRT, a way to ease the burden of low-income families would be a discounted fare, similar to what is being implemented in jeepneys and buses,”  ani Villar.

Aniya, kailangang magbigay ng diskuwento ang pamahalaan sa mga PWDs at matatanda bilang pagpapakita ng pagkalinga sa kanila.

Dapat ding makadiskwento ang mga government employees dahil mababawasan pa ang kakarampot na kinikita nila dahil sa pagtataas ng pasahe ng LRT at MRT, ayon sa senador.

Inihayag pa ni Villar na hindi lamang pagsasagawa ng popular na desisyon ang isang epektibong pamamahala, kundi may ilang di-nagugustuhang patakaran na siyang makatutulong upang umusad ang ating bansa.

“Kung mababawasan man ang subsidy ng pamahalaan sa operasyon ng MRT at LRT, mas malaking pondo naman ang mailalaan sa prayoridad na lugar tulad ng kalusugan at edukasyon,” paliwanag ni Villar.   Ernie Reyes

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply