DNA evidence magdidiin kay Andal, Jr.

NANINIWALA ang prosekusyon sa Maguindanao massacre na mas napatibay nila ang kanilang posisyon sa pagkontra sa kahilingan ng pangunahing suspect sa krimen na si Andal Ampatuan, Jr.

Ito ay matapos na maiprisinta sa pagdinig kanina sa Quezon City Regional Trial Court (QC RTC) ang kauna-unahang DNA (deoxyribonucleic acid) evidence sa kaso.

Sa testimonya ni Philippine National Police (PNP) Crime Laboratory DNA analyst Senior Insp. Jasper Magana sa QC RTC Branch 221, sinabi nitong lumabas sa DNA testing na isa sa mga biktima ang UNTV reporter na si Victor Nuñez.

Sinabi ni Magana na tumugma ang DNA profile ng isa sa mga biktima sa anak nina Vicente Nuñez bilang ama at Catherine Nuñez bilang ina. Ayon pa sa DNA analyst, 99.9 percent ang accuracy rate ng isinagawang test.

Sinubukan naman ng depensa na sirain ang kredibilidad ng testimonya ni Magana sa pamamagitan ng pagkuwestiyun sa proseso ng pagkuha ng sample ng DNA ngunit nanindigan ang  DNA analyst.

Iginiit ng depensa na maaaring nakontamina ang DNA sample habang iprinoproseso ang pagkuha nito. Isa pa, hindi mismo si Magana ang kumuha ng DNA sample kundi si PNP medico legal officer Dean Cabrera na walang sapat na pagsasanay sa DNA analysis. Robert C. Ticzon

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply