DOJ ayaw sa death penalty

Hindi pabor si Justice Sec. Leila de Lima sa panukala na buhayin ang parusang death penalty sa bansa.

Ayon kay de Lima , mahirap magkaroon ng death penalty sa bansa bilang pinakamabigat na parusa sa mga nagkasala sa batas.

Ipinaliwanag ng kalihim na sa kasalukuyang sistema ng hustisya sa bansa ay hindi tayo nakasisiguro na ang taong parurusahan ay siya ang tunay na salarin sa isang krimen.

Binigyang diin pa ng kalihim na ang Pilipinas ay signatory sa international covenant on civil and political right kung saan tiniyak ng pamahalaan na hindi na magpapatupad ng parusang kamatayan.

Bagamat sinabi ni De Lima na hindi rin naman masisi ang ilang nananawagan ng pagbuhay sa death penalty sa tuwing may nagaganap na karumal-dumal na krimen, tiniyak nito na mahigpit niyang tututulan kasama na ang human rights community ang nasabing panukala. Teresa Tavares

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply