DOJ chief pabor sa pagbuwag ng PCGG

KINATIGAN ni Department of Justice (DOJ) Secretary Leila de Lima ang planong pagbuwag sa Philippine Commission on Good Government (PCGG).

“We agree with the proposition that it’s time for the PCGG to wind down, concentrate on completing its work, especially the sequestration cases, and the criminal cases,” ani De Lima sa mga mamamahayag nitong Martes.

Nauna nang ibinalita na ipinaalam ni PCGG chairman Andres Bautista kay Pangulong Benigno Aquino III sa pamamagitan ng sulat na may ginagawa ang komisyon na proposal para buwagin na ang ahensiya makaraan ang dalawang taon.

“The transfers and ‘winding down’ efforts shall be completed and satisfactorily accomplished within a period of two years upon the approval of the said legislative measure,” ani Bautista sa kanyang sulat kay Aquino.

Dagdag pa ni Bautista sa kanyang sulat na, “The investigation and prosecution of cases presently being handled by and for the commission shall be transferred to the DOJ.”

Ayon naman kay De Lima, maaaring kinakailangang makapagpasa ng panukala ang Kongreso para mabuwag ang PCGG na nilikha noong 1986 sa pamamagitan ng Executive Order No. 1 ni Pangulong Corazon Aquino.

“The EO executed by then President Aquino didn’t require a law because she had lawmaking powers, but it’s different now. Baka malabo kung EO lang, dapat may law,” ani De Lima.

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply