DOJ manghihimasok sa gulo sa Stradcom

SINIMULAN nang imbestigahan ng binuong fact finding panel ng Department of Justice (DOJ) ang naganap na kaguluhan sa Stradcom noong december 09, 2010.

Matatandaan na nagkaroon ng illegal na pag-takeover sa nasabing IT company na nagresulta ng kaguluhan sa pagitan ng mga guwardiya ng dati at bago umanong pamunuan ng Stradcom. Ilang armadong security guards ang sapilitang pumasok sa tanggapan ng Stradcom na nasa compound ng Land Transportation Office (LTO) upang kunin ang bagong pamumuno rito.

Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, noong Enero 3 pa ay nakapag umpisa na ang naturang investigating body sa pagsisiyasat ng ugat o dahilan ng marahas na gulo sa pagitan ng mga paksyon sa stradcom.

Inaasahan aniya na dadalo sa imbestigasyon ang mga imbitadong personalidad upang mabatid na ang katotohanan kabilang na ang hepe ng LTO na si Virginia Torres.

Sinabi ni de Lima na ang pagtatatag sa fact finding panel ay alinsunod na rin sa apela ni Transportation and Communication Secretary Ping de Jesus at direktiba ni Pangulong Noynoy Aquino na dismayado sa insidente matapos maparalisa ang operasyon ng LTO sa buong bansa.

Binigyan ni de Lima ng tatlumpung araw ang nasabing grupo para alamin ang rason ng gulo, ang mga taong nasa likod nito at mga posibleng kaharapin ng mga mapapatunayang sangkot. Aniya, ang resulta ng imbestigasyon kung saan nakasaad na rin ang kanilang rekomendasyon ay ibibigay mismo kay De Jesus.

Nilinaw naman ni de Lima na tanging ang ugat ng kaguluhan at mga taong sangkot lamang ang kanilang iimbestigahan habang hindi na sila makikialam sa iba pang usapin sa loob ng Stradcom.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply