DOJ panel itatatag para sa botanist killing

Panibagong panel ang itatatag ng Department of Justice (DOJ) upang muling mag-imbestiga kaugnay sa pagkamatay ng botanist na si Leonard Co at dalawang kasama nito.

Ito ay makaraang maghain ng reklamo ang pamilya ni Co ng kasong murder laban sa 38 na miyembro ng 19th Infantry Battalion ng Philippine Army.

Paliwanag ni  De Lima, ang panel ay para sa preliminary investigation sa reklamong isinampa ng kampo ni Co.

Ayon sa kalihim hindi basta maituturing na ‘scrap’  ang report ng  fact finding committee at mananatiling parte ito  ng record ng kaso.

Iginiit ng  kampo ni Co na isantabi ang report ng  NBI-DOJ panel na nagsasabing hindi ang militar ang may pananagutan sa pagkamatay ni  Co at dalawang kasama nito. Teresa Tavares

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply