DOJ Usec. Salazar at Raul Medina ng Immigration

ILAN na sa Bureau of Immigrations ang ipinatapon sa kangkungan ng Department of Justice na hindi man lang nalalaman mismo ni DOJ Sec. Leila de Lima?

Yan ang tanong ng ating uzi makaraang kaliwa’t kanan ang ipinatapon na tauhan ng BI dahil daw sa kautusan ng isang magaling na DOJ Usec. Salazar.

Kaya raw sunod-sunod ang pagsibak ng tao sa BI ay dahil na rin sa bulong ng isang opisyal ng immigration kay Usec. Salazar.

At kahit na walang beripikasyon ay tira-pasok si Usec sa pagpapatapon ng tao kung saan wala namang magawa si BID OIC Ledesma dahil OIC lang nga naman talaga ito at ang utos ay magmumula talaga sa DOJ.

Heto at kilalanin natin kung sino ang bulong brigade ni Salazar…Sinabi sa DOJ na malinis na ang BI airport dahil sinibak na raw ang bad eggs.

Pero ano itong nakalusot noong January 7, 2011 na pasahero na nagngangalang Cezar Villaceran?

Qatar Airways QR 467 ang sinakyan nito pero kahina-hinalang Kuwait ang nag-isyu ng tiket nito.

At bilib kayo === one way ang tiket papuntang Dubai!

Sa madaling salita, modus ito ng tinatawag na “talon” ang pasahero
mula Dubai patungong Kuwait para magtrabaho.

Yun bang === working tourist na Dubai ang Visa pero sa Kuwait magtatrabaho.

Heto ang tanong ngayon ng ating uzi. Isang nagngangalang Raul Medina ang naka-duty sa NAIA-BI Travel Control and Enforcement Unit TCEU.

Paano nakalusot sa kanya ang pasaherong ito?

Hooops! Huwag kang magpapalusot Medina dahil, una, bakit ‘di mo pina-fill-up sa pasahero ang indicator checklist?

Pangalawa, bakit ‘di naka-encode sa computer na lumabas ng bansa yang si Villaceran?

MAGKANO? Este Papaano nangyari yun? That is the 30,000 question! Buti na lang at may manifesto ang airline kaya buking na buking na lumipad ang pasahero sa kagandahang loob ng BI.

Ngayon, Usec. Salazar, kung hindi si Medina ang bulong brigade, itapon mo na yan sa pinakamalayong kangkungan. Ito ang malinaw na ebidensyang namamasahero si Medina.

Kung hindi naman s’ya namamasahero, mahinang klase s’ya para mapapuwesto sa TCEU, dahil nalulusutan din pala!

OIC, aksiyunan mo naman ito baka naman ito pa ang sumira sa career mo.

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.

Maaari n’yo rin pong mabasa ang ULTIMATUM sa www.remate.ph. Benny Antiporda

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply