Domingo, Almendras kinumpirma na ng CA

KINUMPIRMA na ng Commission on Appointments (CA) sina Department of Trade and Industry (DTI) Sec. Gregorio Domingo at Department of Energy Sec. Jose Rene Almendras.

Sa ginanap na plenary hearing ng CA sa Senado, walang kahirap-hirap sina Almendras at Domingo na lumusot sa CA matapos na wala ni isang miyembro ng komisyon na tumutol sa rekomendasyon ng komite para sa pagpapatibay ng kanilang appointments.

Una rito ay napaulat ang patuloy na pagtutol ni Senate President Juan Ponce Enrile at Sen. Serge Osmena III sa kumpirmasyon ni Almendras dahil sa kontrobersiya sa loob ng Energy department, ngunit sa plenary hearing kanina ay hindi na tumutol ang dalawang senador sa halip ay sinuportahan ang appointment ng kalihim.

Una nang kinumpirma ng CA ang apat na miyembro ng gabinete ni Pangulong Benigno “NoyNoy” Aquino III.

Kabilang dito sina Public Works Secretary Rogelio Singson, Agriculture Secretary Proseso Alcala at Tourism Secretary Alberto Lim, maging si Education Secretary Armin Luistro.

Nakatakda namang isalang sa CA si Defense Sec. Voltaire Gazmin.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply