Dominguez Carnapping Syndicate, nadidiin sa Lozano case

LALONG lumalakas ang hinala ng awtoridad sa pagkakaugnay ng Dominguez carnapping syndicate sa sunud-sunod na karumal-dumal na pagpatay sa car dealer na si Emerson Lozano, driver nitong si Ernani Sensil, Venson Evangelista at miyembro ng Baywalk bodies na si Rejoice River.

Ayon sa ina ni Rejoice, itinuro nito si Raymond Dominguez na huling kasama ng kanyang anak bago pa ito nawala noong nakaraang Disyembre 29, 2010.

Isinalaysay ng ina ni Rejoice na mahilig magpaputok ng baril si Dominguez kung saan inaasinta pa nito ang Speed Limit signage malapit sa Bocaue Tabang exit.

Dahil sa pahayag na ito, tinungo ng mga awtoridad ang Bocaue-Tabang exit at nakakuha nga ng mga basyo ng bala na kahalintulad sa balang nakuha mula sa bangkay ng anak ni Atty. Oliver Lozano na si Emerson, Sensil at Evangelista.

Kaugnay nito, itinanggi naman ni Dominguez ang pagkakadawit sa kanya na may kinalaman umano siya sa serye ng carjacking na ikinamatay ng mga biktima

Ikina-alarma ni Dominguez ang pagkakadawit niya sa pagpaslang sa kasintahang si Rejoice at ipinagtataka niya kung bakit nadadawit ang kanyang pangalan sa naturang krimen dahil hindi umano niya kilala ang mga biktima.

Iginiit ni Dominguez na posibleng idinadawit ang kanyang pangalan sa lahat ng mga naganap na krimen upang mapadali ang imbestigasyon ng awtoridad.

Matatandaan na base sa record ng pulisya si Dominguez ay mayroong kinasasangkutang 19 na kaso ng carnapping.

Hindi naman maipaliwanag ni Dominguez kung bakit nag-match ang nakuhang basyo ng baril nito sa Bocaue-Tabang exit.  Johnny F. Arasga

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply