Dominguez, ‘di under protective custody ng DILG

NILINAW ni DILG Sec. Jesse Robredo na hindi under protective custody si Raymond Dominguez, isa sa itinuturong lider ng sindikatong responsable sa pagpaslang sa car dealer na si Venson Evangelista.

Magugunitang nitong Sabado ng gabi, kusang lumutang si Dominguez at humingi ng proteksyon sa Bulacan PNP matapos idiin ng dalawang naaresto.

Mismong ang Bulacan PNP provincial director ang nagsabing hindi nila inaaresto si Dominguez dahil hindi pa naman pormal na nasasampahan ng kaso sa korte.

Sinabi ni Robredo sa press briefing sa Malacañang na dapat malinawan na sumuko si Dominguez at hindi trabaho ng mga pulis na bigyan ito ng proteksyon.

Unang inihayag ni Dominguez na nanganganib ang kanyang buhay kaya kusang nagpasailalim sa kustodiya ng PNP.

Ayon kay Robredo, isa itong maling impresyon o pahayag ng Bulacan PNP kaya kailangang maipaliwanag. Gwenn Salamida

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply