Dominguez nagpalipas ng gabi sa Camp Crame

MATAPOS arestuhin at sumailalim sa inquest, nagpalipas ng gabi ang hinihinalang carjacking gang leader na si Raymond Dominugez sa detention facility ng Philippine National Police (PNP) headquarters sa Camp Crame.

Batay sa report, si Dominguez ay kinukonsiderang “under arrest” matapos maakusahang may kinalaman sa  carnapping at kidnapping with homicide sa Venson Evangelista slay case.

“Dominguez’s status is ‘under arrest.’ The Criminal Investigation and Detection Group will continue its investigation on the case. So far we have seen encouraging breakthroughs and evidence,” ayon kay PNP CIDG spokesman Superintendent Romano Cardino.

Bago mangyari ang inquest at pag-aresto, mismong nagtungo si Dominugez sa pulisya sa Bulacan noong Sabado.
Iniuugnay si Dominguez sa pagtangay sa Land Cruiser ng  car dealer na si  Venson Evangelista na nawala noong Enero 13 sa Quezon City.

Natagpuan ang katawan ni Evangelista na sunog sa  Nueva Ecija ilang araw matapos ang kanyang pagkawala. Marj Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply