Donaire, bumabangis sa training

LALO umanong bumabangis sa kanilang pagsasanay si Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire Jr. sa training camp nila sa San Mateo, California.

Subalit habang nagsasanay, bigla na lang siyang pinulikat at ang masama pa, nakatutok sa kanya ang HBO camera crew para gumawa ng segment doon.

Sa umaga ay walang humpay ang kanyang pagtakbo habang nakikipag-sparring naman sa hapon.

Tatlong sparmates ang nakikipagbangasan kay Donaire sa loob ng Undisputed Gym na pawang humanga sa kanyang galing.

Samantala, dahil naman sa cramps ay pansamantalang natigil ang pakikipag-sparring ni Donaire at agad din naman itong nakabalik sa ring.

Nagbiro naman ang Pinoy champ sa pagsasabing ang HBO ang dapat sisihin dahil pinatakbo umano siya nito sa umaga.

“It’s all HBO’s fault. They made me run in the morning,” ang natatawang sabi ni Donaire.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply