Donaire, Montiel nag-face off

NAGHARAP kahapon sina WBC at WBO bantamweight champion Fernando Montiel at former flyweight titlist Nonito Donaire sa Las Vegas, Nevada.

Kapwa tiim ang bagang ng dalawa nang magkrus muli ang landas sa isinagawang inaugural press conference sa pag-anunsiyo ng kanilang opisyal na paghaharap sa ibabaw ng ring sa February 19 (20 sa Pilipinas).

Ang dalawang ultra-talented stylists ay magsasagupa sa Mandalay Bay sa isa sa mga inaabangang sagupaan ngayong taon sa HBO.

Unang nagkrus ang landas ng dalawa sa Las Vegas sa Pinoy Power 3/Latin Fury 13 press conference noon pang isang taon.

Dinispatsa ni  Montiel si Ciso Morales sa loob ng  one round taglay ang malakas na body shot habang dinurog ni Donaire si Manuel Vargas sa tatlong rounds.

Ang huling laban ni Donaire ay kay Ukrainian Wladimir Sidorenko sa Anaheim, California kung saan napasuko ang kalaban sa ika-4 na round.

Pagkalipas naman ng anim na araw, dinurog ni Montiel si journeyman Giovanni Soto sa two rounds sa Saltillo, Mexico.

Isa pang follow-up press conference ang magaganap ngayong araw na ito sa Los Angeles, California. Gilbert Perdez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply