Driver na nagtapon sa bangkay ng lola, wanted

INIUTOS na ni Manila Mayor Alfredo S. Lim ang manhunt operation laban sa driver ng pampasaherong jeep na nagtapon ng bangkay ng 72-anyos na  lola  sa ilalim ng tulay ng Delpan matapos niyang masagasaan nitong Enero 8, 2011.

Kasabay nito, hiniling din ng pamilya ng biktimang si Cunigunda Mejia sa publiko na makipag-uganayan sa Manila City Hall o sa pulisya kung may impormasyon hinggil sa kinaroroonan ng suspek na driver ng dyip na may rutang Cubao-Divisoria (NXW-761).

Ayon kay Manila Social Welfare and Development  Chief Jay dela Fuente, maaaring tumawag o magtext sa 0917 509 2698 sakaling may nakakakilala at nakaaalam sa kinaroroonan ng suspek.

Tinutunton din ang isang lalaki na umanoy naka-itim na t-shirt na kumuha ng video sa naganap na insidente  upang makatulong sa pagkakakilanlan ng suspek.

Nabatid na 5:30 ng umaga ng Enero 8, nang mabangga ang biktima habang tumatawid sa CM Recto Avenue, tapat ngt Isetann Department Store.

Inakala ng mga saksi na dadalhin sa ospital ang biktima subalit hindi nagtagal ay natagpuan ito na nakalugmok sa pagitan ng dalawang malaking gulong ng truck na nakaparada sa Del Pan Bridge, Tondo.

Lumutang na sa pulisya ang operator ng jeep na nagdahilang hindi niya kakilala ang driver na naglabas ng kanyang jeep. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply