Driver, patay sa pagbili ng yosi

PATAY ang isang driver matapos pagsasaksakin ng kaaway habang bumibili ng yosi sa Caloocan City, Sabado ng gabi.

Dead on the spot sanhi ng dalawang saksak sa likod si Noel Palima, 36, ng Payatas, Quezon City.

Nadakip naman ang suspek na si Renato Rafales, 43, ng Admin Site, Tala, Caloocan City.

Sa ulat, dakong 6:30 ng gabi, bumibili ng yosi ang biktima sa isang tindahan sa Macabud st., Tala, nang lapitan at pagsasaksakin ng suspek.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek subalit nadakip ng mga pulis sa isinagawang follow-up operation kung saan inaalam na ang motibo sa nasabing insidente. Rene Manahan

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply