Driver tinusok ng apat kelot kritikal

NASA kritikal na kalagayan ang isang tricycle drive  matapos pagtulungang saksakin ng apat na kalalakihan  habang naglalakad  sa Brgy. Longos Malabon City, iniulat Huwebes ng tanghali.

Ang biktima na nakaratay sa Tondo Medical Center, sanhi ng maraming saksak sa iba’t ibang  bahagi ng katawan ay kinilalang si Jonald Atok Sanbiago, 26, ng Blk 14,-C, Lot 24, Phase 2, Area 3 Dagat Dagatan, nasabing lungsod.

Samantala, agad namang inatasan ni Sr.Supt. Cornelio Barrios, ang kanyang kapulisan na arestuhin ang pangunahing suspek na si Erik Kadriquia, at tatlong hindi pa nakikila.

Sa imbestigasyon, naganap ang insidente 10 kahapon ng umaga nang pagsasaksakin ang biktima sa Blk 15, Longos Malabon City.

Nabatid na naglalakad pauwi ang biktima kasama ang kaibigan na si Andy nang harangin sila ng mga salarin at inundayan ng saksak.

Nagtangka rin umanong manlaban si Jonald subalit tumulong ang tatlo kaya wala na silang nagawa.

Matapos ang pananaksak ay tumakas ang mga suspek. Roger Panizal

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply