Driver tustado sa nasunog na SUV

TUSTADO ang isang hindi pa nakikilalang biktima nang makita sa loob ng nasunog na sport utility vehicle habang nakabangketa sa gilid ng kalsada sa Caloocan City kaninang madaling araw.

Inaalam pa ang kasarian ng biktima na nilamon ng apoy ang laman at halos bungo na lamang ang natira.

Sa imbestigasyon, 1:55 ng madaling araw nang magliyab ang Mitsubishi SUV habang nakabangketa sa C-3 rd., nasabing lungsod.

Agad namang itinawag ng ilang napadaan sa lugar sa bumbero ang pangyayari pero naabutan na ng awtoridad na sunog na ang sasakyan at natagpuan ang bungo ng biktima.

Walang plaka sa harap ang SUV at sa likod ay tanging WLW-5 lamang ang natira.

Nabatid na bago ang insidente, isang kotse na hindi na nakuha ang plaka ang nakita sa tabi ng SUV at nang umalis ay bigla na lamang nagliyab ang SUV.

Inaalam na rin ng mga pulis kung pinatay muna bago sinunog ang biktima kasama ng SUV. Rene Manahan

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply