Driving without license gagawing krimen

DAHIL sa talamak na aksidente ng mga motorista na walang lisensya, isinulong ngayon ni dating Pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo ang pagpapataw ng kaparusahan sa sinumang may-ari ng sasakyan na pumapayag imaneho ng mga tsuper na walang lisensya ang kanilang mga behikulo.

Inihain nina GMA at ng kaniyang anak na si Camarines Rep. Diosdado Arroyo ang House Bill
1581 na naglalayong tuldukan ang mga insidente na kinasasangkutan ng mga tsuper na iresponsable at walang lisensya.

Nakapaloob sa panukala na mahigpit na ipagbabawal sa sinuman na mapayagan ang isang tsuper na imaneho ang kaniyang sasakyan ng walang taglay na valid driver’s license na inisyu ng Land Transportation Office(LTO).

“By providing a strong deterrent against vehicle owners, it is hoped that the perils posed by inexperienced drivers will be reduced,”
binigyang diin pa ni Arroyo.
Sa ilalim ng panukala na tinawag na “Motor Vehicle Safety Act of 2010,” ang sinumang lalabag dito ay pagmumultahin ng hindi hihigit sa  P10,000 o pagkabilanggo ng mula isang buwan hanggang anim na buwan o pareho itong ipapataw. Meliza Maluntag

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply