Dumanda, Asistio dikitan sa OneAsia

LIGTAS na nakausad sina Marvin Dumandan at Antonio Asistio II ng Philippines sa unang stage ng OneAsia Qualifying School na isinusulong ng Australian Craig Hancock sa Sandbelt Trails ng Mission Hills sa Haikou, China.

Si Dumandan ay nagtala ng 289 (72-76-73-68) at si Asistio ay nakagawa ng 290 (79-67-74-70) para makarating sa final stage kasama ang  91 iba pa mula sa 13 bansa.

Ang mga atleta ay nag-aagawan para sa 10 spots upang makalaro sa  OneAsia’s 2011 events.

Nabatid na ang finale ay lalaruin sa nasabi ring venue sa January 11.

Ang magiging winner ngayong linggo na ito ay lalaro para sa guaranteed entry  ng lahat ng OneAsia 2011 events, kabilang na rito ang co-sanctioned o limited field events.

Samantala, ang mga players na ranked second hanggang tenth ay makatatanggap ng priority ranking sa OneAsia’s eligibility categories at mabibigyan din ng pagkakataon para sa lahat ng OneAsia full field events. Gilbert Perdez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply