Durant pinakinang ang Thunder

TINULUNGAN ni Kevin Durant ang Oklahoma City Thunder para hiyain ang Dallas Mavericks sa sarili nitong bakuran kahapon.

Si Durant ay humakot ng 28 points habang si Russell Westbrook ay nagdagdag ng 15 points at 9 assists kaya nabigyan ng pagkakataon ang Thunder na masungkit ang 99-95 victory.

Sinamantala rin ng Thunder ang kawalan ng puwersa ng Mavericks dahil wala si scoring leader Dirk Nowitzki.

Samantala, patuloy na humihina ang Houston Rockets dahil wala pa rin si center Yao Ming matapos itong sumailalim sa surgery kahapon dahil sa stress fracture sa kaliwang tuhod.

Ang 7-foot-6 na si Yao ay noong Nov. 10 pa hindi nakakalaro at limang games lang ang kanyang nasalangan ngayong season.

Mahina rin ang Cleveland Cavaliers ngayon dahil si guard Daniel Gibson ay may pinsala rin sa kaliwang tuhod nang matalo sila sa Toronto Raptors noong Huwebes.

Si Phoenix Suns rookie forward Gani Lawal naman ay nagtamo rin ng knee injury at sinasabing hindi siya makakalahok sa mga laro hanggang sa matapos ang season.

May pinsala umano si Lawal sa anterior cruciate ligament at medial collateral ligament, ayon sa mga Suns officials. Gilbert Perdez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply