‘Dwarfina’ ni Heart Evangelista, inaabangan

SA wakas ay mapapanood na ang “Dwarfina,” na bagong teleserye ng GMA-7, na pagbibidahan ni Heart evangelista.

Kung mahilig kayo sa kuwento tungkol sa mga dwende, o gusto ninyong malaman ang itsura nila at ang kanilang misteryosong buhay, huwag kaligtaan na panoorin ang Dwarfina!

Puno ng mistika, intriga at pagbabamta ang teleserye na ginagalawan nila Dennis Trillo, Heart Evangelista. Iwa Moto, Tony Mabesa, Will Devaughn, at iba pa sa direksyon ni Mike Tuviera.

Si Heart Evangelista ang bilang Dwarfina, at sundan ang kanyang pagbabagong anyo hanggang sa siya ay maging normal na bilang tao.

Mga artista, dapat modelo sa pagbabayad ng buwis

KAPAG napag-uusapan ang mga sikat na artista o showbiz personalities na hindi nagbabayad ng buwis, isinisigaw kaagad ang mga katulad natin na ordinaryong mamamayan na “hindi patas yan (unfair)! Tayo nga na isang kahig, isang tuka ay nagbabayad pa!”

Hindi lang naman sa showbiz na may naligaw at nakagawa ng tax evasion na hindi naman seguro sinasadya. Mas marami pa sa mga ibang propesyon, katulad nga mga abogado at doctor na hindi nagbibigay ng resibo para sa kanilang tinatanggap na libu-libong consultation fees.

Iba kasi sa showbiz dahil kilalang-kilala ang mga artista at medaling mapuna sa kunting pagkakamali. At idolo sila ng masa o mga mamamayan.

Kaya dapat alam ng mga celebrities na ang pagbabayad ng buwis ay malaking katungkulan o obligasyon ng bawat mamamayan na walang exception. Sabi nga, “ignorance of the law excuses no one!”

Walang ligtas po sa parusa kung may tax evasion ka. Inaasan po namin na makapagpaliwanag  sana ng mahusay sila Richard Gomez at si Direk Carlo J. Caparas sa Bureau of Internal Revenue (BIR) upang hindi sila maparusahan at makulong sa di bababa ng anim na taon!

Si Doc Mendez, ang sikat na beauty guru, ay kamakailan lang nasentensiyahan ng hindi kukulang ng anim na taon pagkabilanggo dahil sa tax evasion.

Sana makag-apela siya, bayaran niya ang dapat bayaran na buwis upang hindi na siya makukulong.

Ang tingin namin sa bagong commissioner ng BIR, si Kim Henares, ay mabagsik ito sa pagpapatupad ng batas tungkol sa pagbabayd ng buwis!

Bakit ba kasi kailangan magbayad ng buwis? Obligasyon natin ito bilang mamamayan o bilang isang negosyante. Gagastusin ito ng gobyerno upang makapagbigay ng sapat na serbisyo sa atin, katulad ng paggawa ng kalsada, school buildings, pagbigay ng health services, at mga iba pa na kailangan natin sa matahimik at maprogresibong pamumuhay!

Sa mga iba pang mahalagang dahilan bakit kailangan magbayad ng buwis, basahin ang “The Power of Paying Your Taxes” sa inspirational book na may titulong “21-Power Guide To Inner Wealth & Prosperity.” Nardz Belen

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply