Eastern Samar nilindol

NIYANIG ng lindol na may magnitude-4.7 ang  Eastern Samar bago magmadaling-araw ng Huwebes.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Philvocs), naitala ang naturang pagyanig bandang 11:26 p.m. na may  tectonic origin.

Sa earthquake bulletin ng Philvocs,  nakasaad na ang epicenter ng naturang lindol ay natagpuan sa 103 km southeast ng Guiuan, Eastern Samar.

Hindi naman naitala kung saan partikular  naramdaman ang pagyanig.

Wala namang napaulat na aftershocks matapos ang pagyanig at wala ring naiulat na nasirang aria-arian. Marj Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply