Efren ‘Bata’ Reyes magreretiro na?

INAASAHAN na ang pagreretiro ni Billiard icon  Efren “Bata” Reyes dahil sa malabong mata at matinding pananakit ng likod.

Ayon sa ulat, pormal ng umatras si Reyes sa pagdepensa ng kanyang korona sa Derby City Classic sa Indiana, USA sa susunod na linggo dahil sa matinding pananakit ng likod at panlalabo ng paningin.

Hindi na rin aktibo sa pagsali sa billiard tournaments si Reyes nitong nakaraang taon dahil sa kinakain na diumano ng katandaan ang kanyang katawan at marami na itong nararamdamang hindi maganda.

“Umaasa pa rin ako na makababalik sa paglalaro kung mawawala ang pananakit ng aking likod at masosolusyunan ang panlalabo ng aking mga mata,” pabirong kwento ni Reyes habang iniinterbyu ng Remate.

Magugunitang naging katawa-tawa si Reyes dahil tinalo lang siya ng pipitsugin o never heard na mga manlalaro sa katatapos na Asian Games.

Inasahan na hahakot ng gintong medalya ang RP Team sa bilyar dahil binubuo ito ng mga world champions subalit laking pagkadismaya ng mga Pinoy billiard fans dahil parang ibinenta diumano ng ilang manlalaro ang kanilang karangalan at hindi man lamang nagawa ng mga ito na makasungkit nang ginto sa Asian games.

Nakapagtatakang tanging si Dennis Orcollo lang ang cue artist sa RP Team na binubuo ng mga world champions ang nakakuha ng gintong medalya sa Asian Games.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply