Electrician, nadapa, patay

PATAY ang isang electrician matapos madapa at humampas ang mukha at ulo sa konkretong semento sa loob ng ginagawang apartment sa Malate, Maynila, Huwebes ng madaling-araw.

Ag biktima ay kinilalang si Efren Joble, 40, stay-in construction worker sa itinatayong Building sa 1273 Interior 18 San Andres, Malate, agad namatay matapos madapa at humampbas ang mukha sa semento.

Sa ulat, naganap ang insidente alas-4 a.m. sa ikatlong palapag ng itinatayong gusali.

Ayon kay Jecky Visitacion, kasamahan sa tabaho ng biktima, mahimbing na silang natutulog nang maaalimpungatan dahil sa malakas na kalabog malapit sa kanyang tinutulugan.

Agad itong bumangon kung saan nakita niyang nakadapa na ang biktima at duguan ang mukha.

Sinubukan umanong i-revive ni Visitacion ang biktima ngnunit binawian din ng buhay. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply