Engkuwentro ng pulis, sundalo sa Somalia, 17 patay

TINATAYANG 17 ang nasawi habang 56 ang nasugatan sa sagupaan ng mga pulis at sundalo sa Mogadishu, Somalia.

Batay sa inisyal na report, napatay ng isang sundalo ang isang pulis matapos mabaril ng una ang huli sa Benadir hospital, Mogadishu.

Agad namang rumesponde ang pulisya sa pangyayari kung saan nagkaputukan ang magkabilang grupo at nahagip ang ilan sa mga sibilyan na namimili sa Bendir Market.

Humupa lamang ang sagupaan makaraang pumagitna ang isa pang tropa ng pamahalaan.

Nangako naman ang pamahalaan ng Somalia na pananagutin ang mga sangkot sa insidente. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply