Eroplano bumagsak sa Iran, 71 patay

PATAY ang 71 katao makaraang bumagsak ang IranAir passenger jet sa northwest ng Iran, Linggo.

Batay sa ulat, tinangka pa umanong mag-emergency landing ang piloto ng Boeing-727, na pinatatakbo ng national airline Iran, sa siyudad ng Orumiyeh makaraang mapag-alamang may technical failure sa control tower.

Hindi naman malaman sa kasalukuyan kung ano ang naging sanhi ng technical failure. Ayon sa  spokesman ng Iranian civil aviation organization na si Abbas Mosayebi, s a sang TV network, nawala ang radar ng naturang eroplano at bumagsak sa isang farmland.

Batay sa footage ng isang TV network, tumutulong ang mga rescue workers at local farmers upang hanapin ang iba pang biktima linggo ng gabi.

Samantala, nakaligtas ang may 35 na katao kasama ang dalawang crew members, ayon kay Javad Mahmoudi, deputy governor ng  West Azerbaijan. Habang ang iba pang pasahero ay bahagyang nasugatan at ang iba ay itinakbo naman sa hospital.

Naging mahirap ang pagligtas sa mga biktima bunsod ng malakas na pagbagsak ng snow, ayon sa semiofficial Fars news agency.

Nahati sa ilang piraso ang naturang eroplano ngunit wala namang pagsabog na naganap.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply