Eton construction site lumabag sa OSHC

LUMABAG sa Occupational Safety and Health Center (OSHC ) at health standards sa ilalim ng Department Order No. 13 ang nakikitang dahilan sa naganap na aksidente sa Eton Residences sa Makati na ikinamatay ng
10 construction workers makaraang bumigay ang sinasakyang gondola nitong Huwebes.

Ayon kay OSHC Safety Division Chief Engineer Dennis Aquino, mapanganib ang paggamit ng gondola lift dahil nalalagay peligro ang buhay ng construction workers.

Bukod dito, lumalabas na sa ginawang pagsusuri ng  Department of Labor and Employment (DOLE na) mayroong kakulangan sa industrial safety engineer sa construction site kaya nakalulusot at lumalabag sa OSHC.

Kaugnay nito, pinag-utos na ni Makati City Mayor Junjun  Binay na itigil ang lahat ng ginagawang konstruksyon sa Eton Residences kasunod ng naganap na trahedya

Sinabi ni Binay na kailangan munang matiyak na ligtas ang lahat ng mga manggagawa roon para hindi na maulit ang nasabing pangyayari.

Tumanggi rin muna si Binay na tukuyin kung sino ang pananagutin sa nasabing trahedya.

Magugunita na nagkakabit ng salamin ang mga biktima sa ika-34 palapag ng Eton Residences nang bumigay ang kanilang tinutuntungang scaffolding at bumagsak sa ika-pitong palapag.

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang pamunuan ng Eton Properties Incorporated sa mga pamilya ng mga construction worker na namatay matapos mahulog mula sa kanilang ginagawang gusali sa kanto ng Paseo de Roxas at Gallardo Streets sa Makati City.  Johnny F. Arasga

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply