Ex-Arroyo lawyer, next chairman of Comelec?

DATING abogado ni dating pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo ang isa sa mga pinagpipilian ng Palasyo na maging pinuno ng Commission on Elections (Comelec).

Ito ang kinumpiram ni Pangulong Benigno Aquino III sa mga mamamahayag nitong Miyerkules.

Aniya, bukod kay Romulo Macalintal, isinalang din niya sa interview ang election lawyer niyang si Sixto Brillantes para sa mababakanteng puwesto ni Comelec chairman Jose Melo.

Kinumpirma ni deputy presidential spokesperson Abigail Valte na nakita niya sina Macalintal at Brillantes sa Premiere Guesthouse na siyang tanggapan ni Aquino sa Palasyo.

Maliban sa mababakanteng puwesto ni Melo, kailangan ding mapalitan ni Aquino ang dalawa pang puwesto na iiwan ni Comelec commissioners Nicodemo Ferrer at Gregorio Larrazabal sa Pebrero.

loading...

About remate.tonight

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply